https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2023/06/15/2273935/mas-matinding-pagsabog-ng-mayon-asahan-phivolcs

Inaasahang magpapakawala ang Bulkang Mayon ng mas matinding uri ng pagsabog, batay sa pagtaya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

“There is a possibility that it will turn violent or what we call a more vi­gorous type of eruption,” pahayag ni Paul Alanis, resident volcanologist ng Mayon Volcano Observatory ng Phivolcs.

Sa nakalipas na 24 oras, ang Mayon Volcano Network ay nakapagtala ng 7 volcanic earthquakes at 309 rockfall events base sa seismic at visual observations sa bulkan.

Ang Mayon volcano ay nananatiling nasa Alert Level 3 na nangangahulugan ng high level of unrest dahil ang magma ay nasa may crater at posibleng may malakas na pagsabog sa loob ng linggong ito o sa ibang mga araw.

Una nang sinabi ni Phivolcs director Teresito Bacolcol na malamang na bumilang pa ng ilang mga buwan bago ang inaasahang pagsabog ng bulkan dahil sa ipinakikita nitong aktibidad at malamang na makatulad ang uri ng pagsabog nito noong 2014 Mayon eruption.

Samantala, umabot na sa 4,415 pamilya o katumbas ng 15,493 indibidwal ang nasa ­evacuation centers.

Mahigit 185 pamilya rin ang pansamantalang nakikitira sa kanilang kaanak.

Patuloy naman ang relief operations ng DSWD na nakapaghatid na ng halos P33-milyong assistance sa mga apektadong LGU.

Una nang sinabi ng DSWD na plano nitong magbigay na rin ng cash assistance para makabili ng iba pa nilang pangangailangan na hindi kasama sa family food packs gaya ng gatas para sa mga bata at mga senior citizen.

  • ahundredheys
    link
    fedilink
    English
    arrow-up
    3
    ·
    1 year ago

    Ang Mayon volcano ay nananatiling nasa Alert Level 3 na nangangahulugan ng high level of unrest dahil ang magma ay nasa may crater at posibleng may malakas na pagsabog sa loob ng linggong ito o sa ibang mga araw.

    Una nang sinabi ni Phivolcs director Teresito Bacolcol na malamang na bumilang pa ng ilang mga buwan bago ang inaasahang pagsabog ng bulkan dahil sa ipinakikita nitong aktibidad at malamang na makatulad ang uri ng pagsabog nito noong 2014 Mayon eruption.

    Ano ba talaga? linggo ba o buwan??